Ang mga sanggol ay ginagamit ang kanilang mga labi, gilagid, at dila sa pagsuso (kumuha ng gatas mula sa suso). Ang iyong sanggol ay ipinanganak na may likas na kaugalian sa pagsuso. Subalit kailangan ng panahon upang ikaw at ang iyong sanggol ay matuto kung paano magpasuso. Narito ang mga hakbang na maaari mong gawin upang suportahan ang likas na kaugalian ng iyong sanggol.
Balat sa balat
Kung posible, kailangan mong hawakan ang iyong sanggol na nakadikit sa iyong balat (balat sa balat) pagkatapos mong manganak at pagkalipas ng ilang oras. Maaari mong ding ituloy ito hanggang sa mga unang linggo pagkapanganak.
Gaano kadalas ko dapat pasusuhin ang aking sanggol?
Ang mga bagong panganak ay kailangang sumuso ng 8 hanggang 12 beses sa isang araw. Kailangan mong pasusuhin ang iyong sanggol tuwing siya ay nagugutom. Kapag gutom ang iyong sanggol, ang iyong sanggol ay mukhang mas gising at maaaring pumaling (papaling ang ulo patungo sa iyo kapag iyong hinaplos ang kaniyang pisngi) Ang iyong sanggol ay maaaring sumipsip o sipsipin ang kanyang kamay. Ang pag-iyak ay huling senyales ng gutom at ito ay maaaring magpahirap sa pagpapasuso. Ang mga mas malaking sanggol ay madalas na kakain na may regular na pagitan, subalit ang mga batang sanggol ay hindi. Kung minsan maaari silang kumain ng maraming beses kada pagpapasuso (tinatawag na cluster feeding) at magpapahinga. Maliban kung inirekomenda ng tagapangalaga ng iyong kalusugan, hindi mo kailangan gisingin ang iyong sanggol upang pasusuhin siya.
Isalit ang suso na unang inaalok sa bawat pagpapasuso. Halimbawa, kung ikaw ay nagsimulang magpasuso sa kanang panig noong huling pagpapasuso, ialok ang kaliwang panig sa pagpapasuso ngayon. Laging ialok ang kabilang suso pagkahinto ng iyong sanggol sa pagsuso sa unang panig.
Pag-alok ng iyong suso
Hawakan ang iyong suso ng iyong hinlalaki sa itaas at mga daliri sa ilalim na maluwag ang pagkakawak. Marahang ihaplos ang iyong utong sa babang labi ng iyong sanggol. Kapag nakita mong ibinuka ng ng iyong sanggol ng malaki ang bibig, mabilis na ilagay ang sanggol sa iyong suso. Habang ikaw ay naghahanda para sa pag-latch ng iyong sanggol, huminga ng mabagal at malalim. Ito ay makatutulong sa pagdaloy ng gatas.

Pagla-latch
Ang paraan ng pagkonek ng iyong sanggol sa suso ay tinatawag na latch. Ang utong at ang areola hangga’t maaari (ang maitin na nakapalibot sa iyong utong) ay nasa loob ng bibig ng iyong sanggol. Itagilid ng buong katawan ng iyong sanggol paharap sa iyo, kung saan ang kaniyang ilong at baba ay nasa suso. Kung ang latch ay kumikirot o sumasakit, marahang ipasok ang 1 dalira sa bibig ng iyong sanggol upang kalasin ang latch at subukan muli.

Pagkalas ng latch
Dapat mong pasusuhin ang iyong sanggol hanggang sa mabusog. Subalit maaaring kailangan mong kalasin ang latch ng mas maaga kung ikaw ay nakakaramdan ng sakit o kung sa anumang kadahilanan. Ipasok ang iyong daliri sa sulok ng bibig ng iyong sanggol. Dapat na maramdaman mong nakalas ang pagsuso. Kapag kalas na, ilayo ang iyong sanggol mula sa iyong suso. Huwag ilayo ang sanggol mula sa iyong suso hanggang sa maramdaman mo ang pagluwag sa pagsuso.

Pagpapadighay sa iyong sanggol
Maraming pinapasusong sanggol ang hindi kailangan ipadighay. Mas kaunting hangin ang kanilang nakukuha kaysa sa mga sanggol na dumedede sa bote. Kung mukhang hindi kumportable ang iyong sanggol, subukan mong ipadighay ang iyong sanggol pagkatapos ng bawat suso.
-
Hawakan ang sanggol sa itaas ng iyong dibdib o medyo sa ibabaw ng iyong balikat. Marahang haplusin o tapikin ang likod ng sanggol.
-
O hawakan ang sanggol na nakaupo sa iyong kandungan. Suportahan ang ulo ng iyong sanggol sa unahan at ang dibdib sa likuran. Dahan-dahan na iugoy ang iyong sanggol nang pabalik-balik.